Hello, mare!
Salamat sa iyong pagbisita. Ako ang iyong mareng "A", tuloy po kayo sa aking bagong blog.
Ano ba ang blog na ito?
Ang blog na ito ay ginawa ko upang magbahagi ng aking mga karanasan para sa aking mga mare na naghahanap ng inspirasyon, solusyon, at karamay sa mga hamon ng buhay. Hiling ko na sa blog na ito ay makahanap ang aking mga mambabasa ng isang espasyo kung saan mararamdaman at maiisip nila na hindi sila nagiisa sa mga nangyayari sa kanila sa buhay.
Dito, makakahanap ka ng mga kwento, kuro-kuro, at praktikal na payo—maging sa personal man o propesyonal na aspeto—base sa mga tunay na senaryong pinagdaanan ko at ng aking mga mare. Layunin ko ay makatulong at magbigay ng bagong pananaw sa mga pinagdadaanan natin araw-araw.
Tara, Mag-usap Tayo!
Inaanyayahan kitang mag-iwan ng komento, ibahagi ang iyong opinyon, o mag-reach out sa akin gamit ang contact form. Mas masarap matuto at lumago kapag nagtutulungan tayo.
Your Safe Space
Makakaasa ka na ang blog na ito ay isang safe space. Kung ikaw ay nag-aalangang mag-share ng opinyon, komento o problema, maari kang gumamit ng panandaliang pangalan upang protektahan ang iyong privacy, sa iyong pagbabahagi ng iyong sitwasyon at kuwento. Walang personal na impormasyon o pagkakakilanlan ang ilalathala, maliban na lamang kung gusto mo.
"Mare"?
For anyone not from the Philippines, "mare" (pronounced mah-reh) is a common term used by female friends to address each other as a sign of close friendship and connection.
I chose to use "mare" as part of the blog's name, because I also want to foster the same sense of closeness/connection/community with my readers.
Comments
Post a Comment